--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Nueva Vizcaya Agriculture Terminal na maaari nang magamit ang Food Processing Facility sa susunod na taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Guilbert Cumila ang General Manager ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal sinabi niya na nagpapatuloy ang konstruksyon ng Food Processing Facility na makakatulong sa mga magsasakang importer sa nasabing bagsakan.

Inamin naman ni Ginoong Cumila na may problema ngayon ang kanilang Building Construction dahil hindi pa dumarating ang mga kagamitan na kailangan sa nasabing lugar na karamihan ay magmumula pa sa ibang bansa.

Tiniyak naman niya na matatapos ang gusali bago matapos ang taon at maaring magbukas na rin sa susunod na taon kasunod ng inaasahang pagdating ng mga Equipment.

--Ads--

Inaasahan na sa pamamagitan ng Multi Juice and Food Processing Facility mapapakinabangan pa ang mga gulay na depektibo na at mapapakinabangan pa sa pamamagitan ng ibang porma o produkto.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Guilbert Cumila.