--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpapatupad na ng Force evacuation ang provincial government ng Isabela sa mga mamamayang maaring maapektuhan ng bagyong Rosita.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Asst Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Basilio Dumlao na nauna na silang nagpatupad ng preemptive evacuation sa mga residente kaninang umaga sa siyam na mga bayan Isabela kabilang ang mga coastal towns ng Dinapigue, Divilacan, Palanan at Maconacon.

Nagpadala na rin ng composite team ng Phil. Army, PNP, rescue teams, mga BFP sa mga bayan ng Benito Soliven, San Mariano, San Agustin, Echague at Jones upang magpatupad ng preemptive evacuation sa mga maaaring maapektuhan ng bagyo.

Inihayag pa ni Asst. PDRRM Officer Dumlao na kaninang umaga ay inabisuhan na ang mga residente sa nasabing mga lugar para sa pagpapatupad ng preemptive evacuations.

--Ads--

Simula ngayong hapon ay nagpatupad na ng force evacuations sa mga residente na ayaw mag-evacuate upang matiyak ang kanilang kaligtasan at maiwasang magtala ng casualty sa bagyong Rosita.