--Ads--

CAUAYAN CITY – Palaisipan pa rin sa pamilya ng isang forest ranger kung papaano nalunod sa ilog Cagayan sa Cabagan, Isabela.

Ang biktima ay si Gng.  Cecilia Aggabao, 56 anyos, Forest Ranger ng CENRO Cabagan, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,  inihayag ni Bb. Ramby Aggabao na hinihinalang  nahulog sa hagdanan ng riverside  ang kanyang ina.

Anya nakita ang tsinelas at flashlights  sa baba ng hagdanan ng riverside.

--Ads--

Hindi anya nila malaman kung bakit nasa river banks ang kanyang ina  madaling araw noong unang araw ng Nobyembre.

Tinig ni Bb. Ramby Aggabao

Sa paghahanap ng mga rescue team ng Cabagan at Rescue 831 ng  provl.  gov’t.  ng Isabela  ay nakita ang bangkay ng kanyang ina sa Nassiping,Gattaran, Cagayan.