--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang forklift operator sa District one, Cauayan City makaraang ilabas ng hukuman ang kanyang warrant of arrest

Ang dinakip ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ay si Lucas Bautista, 35 anyos at residente ng Nungnungan Uno, Cauayan City .

Ang warrant of arrest laban kay Bautista ay ipinalabas ni Judge Raul Babaran ng RTC Branch 19, Cauayan City.

Si Bautista ay nahaharap sa limang kaso ng paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law.

--Ads--

Makakalaya lamang pansamantala ang suspek kapag naglagak ng piyansang P/180,000.00 sa bawat kaso.