--Ads--

CAUAYAN CITY – Nananawagan ngayon ang mga dating rebelde sa kanilang mga kasamahan na nananatili pa ring kasapi ng mga makakaliwang grupo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt.Col. Gladiuz Calilan, ang Commander ng 95th Infantry Batallion Philippine Army, sinabi niya na ang mga dating rebeldeng katutubo ay tinutulungan na rin ang mga sundalo para pasukuin ang kanilang mga dating kasamahan.

Aniya sila na mismo ang nakikipag ugnayan sa kanilang mga kapamilya o kasamahan upang sila ay bumaba at sumuko na sa pamahalaan.

Pinagkakaabalahan ngayon ng mga sundalo katuwang ang Tactical Operations Group o TOG 2 Philippine Air Force ang paglilibot sa mga lugar ng mga dating rebeldeng Agta gamit ang mga helicopters at dala ang megaphones na may range na 800meters para anyayahan ang mga rebeldeng sumuko.

--Ads--

Nakakatulong ang mga former rebels na anyayahan ang kanilang mga kasamahan sa pamamagitan ng megaphones dahil maririnig na ito ng mga nasa baba.

Naisipan gamitin ng pamahalaan ang megaphones dahil sa mga impormasyon mula sa mga sumukong rebelde na tanging ang mga pinuno o kadre lamang ang nakakapakinig sa radyo at hindi hinahayaang makinig ang mga kasapi lamang ng samahan.

Ayon kay LtCol Calilan naglaglag din sila ng mga leaflets na naglalaman ng mga rebelasyon tungkol sa mga rebeldeng grupo.

Muli namang inanyayahan ni Lt.Col. Calilan ang mga rebeldeng nananatili pa rin sa loob na sumuko na at maranasan din ang mga nararanasan ngayon ng kanilang dating kasamahan na nasa maayos nang pamumuhay sa tulong na ibinigay ng pamahalaan.

Ang bahagi ng pahayag ni Lt. Col. Gladiuz Calilan.