CAUAYAN CITY- Mapalad na walang nasaktan o nasugatan sa karambola ng limang sasakyan sa Santa Fe, Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Novalyn Aggasid ang tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, sinabi niya na ang mga sangkot na sasakyan ay magkakasunod na binbaybay ang national highway at patungo sa timog na direksyon ng biglang mawalan ng preno ang ikalimang sasakyan na isang Isuzu Trailer Truck.
Sumalpok ang Trailer truck sa sinusundan nitong dump truck bago sumalpok ang dumptruck sa sinusundan naman nitong kotse na sumalpok naman sa isang L300 van.
Sinubukan umano ng truck na mag overtake para iwasan ang isa pang van subalit bumangga ito sa pader ng isang bahay.
Kapwa nagtamo ng pinsala ang mga sangkot na sasakyan subalit napagkasunduan na babayaran na lamang ng may-ari ng truck ang damages sa insidente.
Dahil sa insidente ay bahagyang naapektuhan ang daloy ng trapiko na agad ring naayos sa pag responde ng concerned agencies sa area.
Samantala, nanatiling bukas ang lahat ng kalsada sa Santa Fe hanggang Diadi Nueva Vizcaya dahil sa pansamanatalang pagpapatigil ng DPWH sa mga on-going road construction para paghandaan ang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Holy Week.
Sa kabila nito tinitiyak ng NVPPO na nakahanda na sila at nakapag talaga na ng Motorist Assistance Desk at may mga nakatalaga na rin aniyang PNP personnel para dito.





