--Ads--

Nag-umpisa na ang Supreme Court of the Philippines ng flexible work arrangements, kung saan apat na araw mag-o-on-site ang mga empleyado at Biyernes ay Work-from-Home (WFH) bilang bahagi ng hakbang sa pagtitipid sa enerhiya dahil sa tumataas na presyo ng langis.

Ayon sa Memorandum Circular No. 02-2026, kahit Biyernes ay WFH, 25 porsyento ng empleyado sa bawat opisina ay kailangang mag-report onsite upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon. Ang parehong patakaran ay ipatutupad din sa Court of Appeals.

Gayunpaman, hindi sakop ng flexible work scheme ang mga essential offices sa hudikatura, kabilang ang opisina ng Chief Justice, Senior Associate Justice, at Associate Justices, pati na rin ang Cash Collection and Disbursement Division, Docket-Receiving Section, Management Information Systems, at Judiciary Marshals. Hindi rin saklaw ang ilang tertiary courts tulad ng Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.

Bilang suporta sa pagtitipid sa enerhiya, inaatasan ang lahat ng korte at opisina na magpatupad ng hakbang na makakapagpababa ng 10–20 porsyento sa konsumo ng kuryente at gasolina.

--Ads--

Inilunsad ang hakbang kasunod ng utos ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Marso 6 para sa pansamantalang work arrangements sa mga ahensya ng gobyerno upang mabawasan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.