CAUAYAN CITY- Nakahanda na ang Paris, France para sa nalalapit na engrandeng opening ceremony ng Paris Olympics.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cuayan kay Bombo International News Correspondent Mylene Gonzales sinabi niya na nagsimula nang mag-check ng mga QR Code ang mga pulis sa Paris at mahigpit na din ang seguridad lalo na sa mga venue ng laro.
Aniya hindi basta-basta makakapasok ang kahit na sino sa mga sporting venues hanggang sa magsimula na ang mga laro.
Bagamat natutuwa ang mga French sa kanilang pag-hohost sa Olympics ay marami din umano ang na-stress dahil may mga isinarang metro station simula pa noong nakaraang buwan.
Marami din umanong mga French ang inaasahang magtutungo sa ibang mga lugar na lalo’t nataon sa summer ang Olympics.
Fully booked na din umano ang mga hotels at maging ang mga restaurant ay punuan na din lalo na sa mga top tourist destination gaya ng Eiffel Tower.