--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa wakas, ay may napanalunang gintong medalya na ang Pilipinas sa huling bugso ng mga laro sa 12th South East Asia Youth Athletics Championships na ginanap sa Ilagan City Sports Complex sa Lunsod ng Ilagan.

Ang nawagi ng gintong medalya sa pole vault ay si Francis Eduard Obiena, 17 anyos ng Cainta, Rizal at nag-aaral sa Chiang Kai Shek College sa Maynila.

Tinalo niya ang atleta ng Singapore.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Obiena na nabigo siya sa kanyang naging pagtatangka na malampasan ang record ng Indonesia noong 2016 na 4.50 meters dahill 4.35 meters lamang ang kanyang nairecord.

--Ads--

Agad dinumog ng media si Obiena matapos magwagi ng gold medal.

Nagbunyi ang mga mamamayan na nanonood sa City of Ilagan Sports Complex sa panalo ng gold medal ni Obiena dahil sa wakas ay napakinggan nila ang pagtugtog ng pambansang awit ng Pilipinas.

Tulad ng inaasahan, tinanghal na kampeon ang Vietnam sa katatapos na 12th South East Asia Youth Athletics Championship.

Nagwagi ang Vietnam ng kabuuang 13  gold  at  8  silver,

Ikalawa ang Malaysia na may 6 gold, 6 silver at 6 bronze.

Ikatlo ang Indonesia sa may  6 gold, 2 silver at 4 bronze.

Ikaapat ang Thailand na may 5 gold,   walang silver at bronze.

Ikalima  ang Singapore na may 2 gold,  7 silver at 5 bronze.

Ikaanim  ang Pilipinas na may 1 gold, 9 silver at 15 bronze.
Ikapito ang Timor Leste na may 1 silver at 1 bronze.

Ang Brunei Darussalam ay walang napanalunang medalya.

Dakong alas sais ng gabi ay isinagawa ang closing ceremony tampok ang pagbibigay ng aliw sa pamamagitan ng kanyang mga awitin ang actress/singer na si Vina Morales.