--Ads--

CAUAYAN CITY – Puntirya ngayon ng Local Government of Cauayan na magkaroon ng mahigit isandaang benepisaryo ng isasagawang free surgical mission 2025.

Ang isasagawang medical mission ay bahagi ng Gawaywayan Festival ngunit ngayong taon ay mas pinaaga lamang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cauayan City Mayor Caesar Jaycee Dy Jr., sinabi niya na mas marami kasi aniya ang humiling na mapaaga ngayon ang medical mission.

Mas marami rin ang mga doctor na pupunta rito kung saan inaasahan din na may manggagaling pa ng ibang bansa.

--Ads--

Sa Ika-8 ng Pebrero na ang deadline ng pagpapalista sa nasabing medical mission kung saan maaring magpalista sa City Health Office 1, 2 and 3.

Nakatakda namang ganapin ang free surgical mission sa February 19-23 sa Cauayan District Hospital.

Kabilang sa mga libreng serbisyong ipagkakaloob sa nasabing medical mission ay ang gall bladder surgeries, hernias, thyroid surgeries, gynecological procedures kagaya ng myomas, at ovarian cysts, breast surgeries kagaya ng breast cancer, at breast masses, cleft lips o palates surgeries para sa mga may bingot, mandibular o parotid surgeries at iba pang minor surgeries gaya ng cysts, at lipomas.