--Ads--

CAUAYAN CITY- Humihiling ng ayuda ang mga tricycle driver sa Lunsod ng Cauayan sa pamahalaang panlunsod habang hindi pa inaaprubahan ang hiling nilag dagdag pasahe.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ginoong Romeo Oficial, tricycle drier sinabi niya na malaking tulong sana sa kanila ang ayuda kung sakali dahil sa mataas parin ang presyo ng gasolina kaya hiling nila ang fuel subsidy.

Aniya, bagamat nakakatanggap naman sila ng libreng bigas ay iba parin ang matatanggap nilang fuel subsidy lalo at matagl na rin nang huli silang nakatanggap nito.

Panawagan nila ang buwanang tulong at hindi taunan para sa kanilang mga namamasada.

--Ads--