--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng fun walk ang mga empleado ng Department of Agrarian Reform (DAR) Isabela bilang bahagi ng pagdiriwang ngayong Marso ng  Women’s Month.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Lucille Busog, presidente ng DAR Ladies Association Isabela, sinabi niya na lumahok sa kanilang aktibidad na “walk for Juana, walk for fun” ang mahigit 300  na kawani ng iba’t ibang tanggapan ng DAR sa Isabela.

Nagsuot ang mga kalahok sa aktibidad ng mga purple shirt na may nakasulat at mga banner na may mga nakasulat na “We make change work for women” ay umikot sila sa poblacion ng Cauayan City.

Ayon kay Ginang Busog, layunin ng pagsasagawa nila ng fun walk na maimulat ang publiko kaugnay sa gender equality o pagiging pantay ng mga lalaki at babae.

--Ads--

Maliban sa fun walk ay magsasagawa rin ng  lecture ang DAR Isabela sa mga kawani nito may kaugnayan sa gender equality.