--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinagawa ng City government ng Ilagan City ang funwalk bilang bahagi ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga.

Ayon kay Ilagan City Information Officer Paul Bacungan, layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga mamamayan ukol sa illegal na droga para maiwasan ang paggamit ng droga.

Ang funwalk ay bilang bahagi ng Drug Abuse Prevention and Control Week.

Anya, karamihan sa mga dumalo sa mga aktibidad ay mga mag-aaral, mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Ilagan at ibang mamamayan mula sa mga barangay.

--Ads--

Aniya, kahapon ay nagsagawa ang kagawaran ng kalusugan o DOH ng anti-drug symposium sa mga kabataan sa lungsod.

Binigyang diin ng pamahalaang lunsod ng Ilagan na mahalaga rin ang tungkulin ng mga magulang sa paggabay at pagbabantay sa mga anak upang makaiwas sila sa ilegal na droga.