--Ads--

Nagsagawa ang Gender and Development (GAD) Office ng Seminar para sa mga kalalakihan na nakatuon sa karahasang nararanasan ng ilang mga kababaihan at kabataan sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauyan kay Ret. PMaj. Esem Galiza, Violence Against Women (VAW) Desk Officer ng Cauayan City, sinabi niya na mahalagang mabigyan ng kaalaman hindi lamang ang mga kababaihan kundi maging na rin ang mga kalalakihan na kadalasan umanong itinuturing na pangunahing perpetrator sa ganitong uri ng karahasan.

Layunin ng kanilang tanggapan na maging kaisa ang mga kalalakihan sa laban kontra karahasan.

Hindi naman nila inaasahan ang mataas na turn out ng mga nakilahok sa naturang seminar dahil ngayong araw ay umabot ito sa humigit-kumulang 200 kalalakihan mula sa iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng PNP, AFP, BJMP, Recue at iba pang Uniformed Personnel.

--Ads--

Hinikayat naman ni Galiza ang mga kalalakihan sa buong bansa na maging taga-protekta ng mga kababaihan at lumahok sa mga aktibidad na nagpapalaganap ng kaaalaman hinggil sa Violoence against Women.