--Ads--

CAUAYAN CITY – Magiging caretaker or adviser to the Deputy Chief of Police ng Aritao Police Station si P/Senior Inspector Florentino Mauirat na dating Deputy Chief Of Police ng Bambang Police Station.

Ito makaraang sibakin sa puwesto ang hepe ng Aritao Police Station na si Police Chief Inspector Giovanni Cejes matapos mapatay si NDFP Consultant Randy Felix Malayao sa kanilang nasasakupan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan hindi maaaring magbigay ngayon ng anumang pahayag ang pamunuan ng Aritao Police Station dahil sa inilabas na Gag Order at tanging magsasalita lamang ukol dito ay ang pinuno ng binuong special investigation task group Malayao.

Sa ngayon ay hindi pa maaaring basta ililipat ang mga sinabak na provincial director at hepe ng pulisya dahil kinakailangan pa ang pagsang-ayon ng COMELEC dahil sa election period.

--Ads--