
CAUAYAN CITY – Patay na nang matagpuan ang isang gasoline boy matapos na hinihinalang nagpakamatay sa isang gasolinahan sa Barangay Bliss Village, Lungsod ng Ilagan.
Ang nagpakamatay ay si Si Alvin, 27 anyos at residente ng Disulap, San Mariano, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of Ilagan Police Station, nangyari ang insidente dakong 6:30 ng Umaga.
Nakita umanong bumubula ang bibig at wala nang malay ang binata sa likod ng palikuran ng gasoline station kung saan siya nagtatrabaho.
Hinihinalang nagpakamatay ang binata sa pamamagitan ng pag-inom ng pestisidyo dahil umano sa malalang problema.
Napag-alaman na nagpahiwatig umano si Alvin sa social media sa kanyang post na tanging pagpapakamatay ang paraan upang malutas ang kanyang problema.










