--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang gasoline boy matapos salpukin ng sports utility vehicle ang kanyang sinakyang motorsiklo sa kahabaan ng pambansang lansangan sa Upi,Gamu, Isabela.

Ang namatay ay si BJ Dominick Querubin, 26 anyos, may-asawa at residente ng Quezon Naguillian, Isabela .

Samantalang ang nagmaneho ng Toyota Innova na may plakang ALA 1711 ay si Mata Mateo, 29 anyos, isang company driver at residente ng Caloocan, Bambang, Nueva Vizcaya .

Lumabas sa pagsisiyasat ng Gamu Police Station na si Querubin ay sakay ng kanyang motorsiklo at patungo na sa kanyang trabaho nang makasalubong ang minamanehong SUV ni Mateo.

--Ads--

Tinangka umano ni Mateo na lampasan ang kanyang sinusundang sasakyan ngunit nasalpok niya ang kasalubong na motorsiklong minamaneho ni Querubin.

Nagresulta upang tumilapon at nabagok ang ulo ni Querubin sa sementadong daan at idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Ang suspek na si Mateo ay kusang sumuko sa himpilan ng pulisya.