--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinala sa pagamutan ang 11 anyos na grade-5 pupil makaraang madamay sa nag-aaway na dalawang kalabaw sa Echague, Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Roman Sisikayu, residente ng Mabbayad, Echague, Isabela na mayroong nag-aaway na dalawang kalabaw at dito naghabulan ang mga nasabing hayup.

Anya, ang isa sa dalawang kalabaw ay natumba malapit sa kinaroroonan ng anak at nang makabangon ang kalabaw ay pinagdiskitahan at sinuwag ang kaliwang paa ng bata na kaagad naawat ng mga taong naroon sa lugar.

Agad na dinala sa pagamutan ang bata dahil sa malalim na sugat sa paa.

--Ads--