Umani ng sipatya sa mga netizens ang isang ama na nadakip matapos magnakaw ng isang karton ng gatas sa Tabuk, Kalinga.
Batay sa ulat nadakip ang naturang lalaki matapos itong maaktuhang kumuha ng isang karton ng gatas mula sa isang supermarket sa Tabuk, dahil dito agad na ipinasakamay ang suspek sa PNP Sub-Station 2.
Sa berepikasyon napag-alaman na ang suspek ay isang ama na iniwan ng asawa at ngayo’y nag-iisang lumalaban para sa buhay ng kanyang anak.
Ayon sa suspek nawalan siya ng trabaho matapos na makumpleto na ang ginagawa nilang proyekto sa construction ito ang nag-udyok sa lalaki para kumapit sa patalim dahil sa tanging iniisip niya ay ang kapakanan ng kaniyang anak.
Nang malaman ni PLTCOL Jack Angog ang kalagayan ng lalaki, hindi siya nagdalawang-isip. Sa halip na parusahan, pinili niyang unawain. Mula sa sarili niyang bulsa, binayaran niya ang halaga ng ninakaw na gatas.
Ang pangyayaring ito ay paalala na sa likod ng bawat pagkakamali ay maaaring may pusong sugatan at naghahangad lamang ng kabutihan para sa mahal sa buhay.
Ang isang ama, sa gitna ng dilim ng kahirapan, handang isugal maging ang sarili niyang kalayaan para sa isang bote ng gatas—para sa pag-asa ng kanyang anak.











