CAUAYAN CITY – Mariing tinututulan ng City of Ilagan Gay Association (CIGA) sa Ilagan City ang panukalang batas na ipatupad sa bansa ang same sex mariage.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, binigyang diin ni CIGA Spokesman Emerson Patriarca na pansariling interest lang ang nais ng mga taong nagsusulong ng naturang panukala.
Sinabi niya na kahit pinaiiral na sa ibang bansa ang same sex marriage ay hindi na dapat itong humantong sa kasal na maging sa Biblia ay ipinagbabawal.
Ayon pa kay G. Patrairca, sapat na sa kanila na tanggap ang LGBT Community sa lipunan.
Inhayag din niya na sa halip na pagtuunan ng pansin ang same sex marriage ay dapat tutukan nalang ng mga mambabatas sa pilipinas ang mga mas mahahalagang usapin sa bansa.
Katuwang umano ng Simbahang Katolika ang CIGA na tututol sa same sex marriage na dapat nang tuldukan at huwag nang ipatupad sa bansa.




