--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatagal pa hanggang sa ika siyam ng Mayo ang pagsailalim ng Lunsod sa General Community Quarantine o GCQ bubble.

Sa panibagong Executive Order number 43-2021 na Ipinalabas ni Mayor Bernard Dy muling pinalawig ang GCQ bubble sa lunsod hanggang sa ika siyam ng Mayo.

Matatandaan na nauna nang isinailalim sa isang linggong GCQ bubble ang Lunsod noong ika-dalawampu’t tatlo ng Abril na nakatakda sanang magtapos ngayong araw, ikadalawa ng Mayo.

Sa ilalim ng GCQ bubble ay magpapatuloy ang pagpapatupad ng mahigpit na restriction.

--Ads--

Magiging limitado ang mga mamamayang makakapasok sa lunsod habang nakasailalim sa bubble tulad ng mga essential goods at services at hahanapan sila ng valid ID upang mapayagang makapasok.

Gagawing mandatory ang triaging sa mga papasok upang matiyak na sila ay  hindi carrier ng virus.

Ipapatupad parin ang number coding scheme sa mga single motors at pribadong sasakyan upang malimitahan ang paglabas ng mga tao habang exempted naman ang mga frontliners na kailangang pumasok sa kanilang mga trabaho.

Ipapatupad parin ang liquor ban, curfew mula alas nuebe ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw, maging ang bente kwatro oras na curfew ng mga edad labing walo  pababa at animnaput lima pataas, mass gatherings, at restriksyon sa lamay sa mga namatay at sa pagpapalibing.

Ipagbabawal parin ang dine in sa mga kainan at tanging delivery services lamang ang ipapatupad sa mga ito upang malimitahan ang pagkumpulan ng mga tao.

Habang kasalukuyan ang GCQ Bubble ay papayagang magbukas ang mga estabilisimiento sa oras na alas nuebe ng umaga hanggang alas dos ng hapon habang bawal namang magbukas ang mga hindi essentials na mga negosyo at magkakaroon ng skeletal workforce mga workers.

Muli namang nagpaalala ang pamahalaang lunsod na manatiling sumunod sa mga health protocols upang makaiwas sa virus na covid 19.