Opisyal na ang pagiging hepe ng Philippine National Police (PNP) ni Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. matapos magawaran ng 4-star rank.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang donning of rank ni Nartatez sa Malacañang kaninang umaga.
Kasabay nito, pormal na ring nanumpa si Nartatez bilang ika-32 hepe ng Pambansang Pulisya.
Si Nartatez ang naging kapalit ni acting PNP Chief Nicholas Torre III nitong Agosto.
Pero nananatiling acting PNP chief lamang ito hanggang nitong Enero dahil hinintay pa ang pagreretiro ni Torre na ngayon ay General Manager na ng MMDA.
Samantala, inihayag ni Nartatez na mahigpit na ibinilin sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihing maayos at ligtas ang bawat komunidad sa bansa.
Maliban dito, ipagpatuloy din aniya ang trabaho ng pulisya na maglingkod at magprotekta para sa kapakanan ng publiko.











