--Ads--

Isinagawa ng Local Youth Development Office (LYDO) ang Young MOVErs Santiago City Seminar para sa mga kabataang leaders na ginanap sa City Hall ng lungsod,  ngayong araw, Marso 9.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Officer in Charge Abdulmoin Panglima Jr. ng LYDO, sinabi niyang  ang pagsusulong ng gender equality ay hindi lamang sa kababaihan kundi responsibilidad ng lahat kabilang na ang kalalakihan at iba pang kasarian.

Ayon pa kay Ginoong Panglima, mahalagang maitanim sa mga kabataan ang tamang kaalaman sa pagpapahalaga sa pagkakapantay ng kasarian upang maging aktibong katuwang ang mga ito sa pagsulong ng adbokasiyang ito sa kanilang komunidad.

Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ang mga SSLG Officers mula sa iba’t-ibang paaralan, mga SK Chairperson at miyembro nito, maging mga kinatawan ng youth organizations na naka-rehistro sa youth organization registration program sa lungsod.  

--Ads--

Umaasa ang LYDO na sa pamamagitan ng naturang seminar ay mas mapalalakas ang partisipasyon ng mga kabataan sa mga programang nagtataguyod ng gender equality at leadership development sa Santiago City.