--Ads--

CAUAYAN CITY – patay ang isang ginang matapos mabangga ng isang truck habang patawid sa daan sa Oscariz, Ramon, Isabela.

Ang biktima na si Elvira Domingo, 56 anyos at residente ng Oscariz, Ramon, Isabela ay idineklarang dead on arrival nang isugod ng rescue team ng munisipyo sa Rural health unit.

Ang tsuper ng truck na may mga sakay na poultry products ay si Judy Ogoy, 37 anyos.

Ang mga poultry products ay galing sa San Miguel, Burgos, Isabela at pag-aari ni Martin Uy ng Roxas, Isabela.

--Ads--