--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinakailangang sumailalim sa operasyon ang isang ginang makaraang saktan siya ng kanyang kinakasama sa San Mateo, Isabela.

Ito ay makaraang magtamo ng matinding sugat sa mukha matapos pukpukin ng bato sanhi para maapektuhan ang mata ng biktima.

Ang biktima ay si Liberty Caymo, 45 anyos habang ang suspek ay si Wilson Ramirez, 45 anyos na kapwa residente ng San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kagagaling lamang ng biktima sa Kalakhang Maynila dahil sa balak na pangingibang bansa subalit siya ay inaway ng suspek.

--Ads--

Nagkaroon ng habulan ang dalawa hanggang sa maabutan ng suspek ang kanyang kinakasama sa isang sementeryo kung saan niya pinukpok ng bato ang mukha at sinaksak pa sa kamay ang biktima.

Dinala sa pagamutan ang biktima na sinasabing isasailalim sa operasyon makaraang maapektuhan ang kanyang mata.

Pinaghahanap na ang suspek makaraang tumakas matapos saktan ang kanyang kinakasama.

Ang suspek at biktima ay mayroon nang dalawang anak.