CAUAYAN CITY – Emosyonal na nanawagan ng tulong ang isang Ginang para sa operasyon ng kanyang sampung buwang gulang na apo, matapos makaranas ng seizures at makitaan ng tubig sa utak.
Sa exclusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Jonalyn Laggui, Lola ni Baby John Glydan Costales Molina, sinabi niya na wala pang isang buwan nang magsimulang makaranas ng seizures ang kanyang sampung buwang gulang na apo, kaya nagdesisyon silang ipasuri sa doktor upang maisailalim sa CT-scan.
Batay sa pagsusuri ng doktor lumalabas na ang sanhi ng nararanasang seizure ng sanggol ay ang pagkakaroon nito ng tubig sa utak.
Naka-admit ngayon si Baby John Glydan sa IUDMC at kailangan ng pamilya molina ng 200,000 pesos na downpayment para masimulan na ang operasyon ng sanggol at 28,000 pesos naman para sa tubong gagamitin sa pag-alis ng tubig sa utak nito.
Ayon kay Ginang Laggui walang kakayahan ang kanilang pamilya na makalikom ng ganoong kalaking halaga ng pera para sa operasiyon ng kaniyang apo, kaya nanawagan sila sa mga may mabubuting puso na sila ay matulungan at lumapit na rin sa mga opisyal ng kanilang bayan na nagpaabot naman ng tulong para sa gastusin sa CT scan ng bata.
Para sa mga nais na magbigay ng tulong bukas ang himpilan ng bombo Radyo Cauayan para tumanggap ng mga donasyon para kay Baby John Glydan at maaari ring ipadala sa Gcash account ng Pamilya Molina na 09168530046.