--Ads--

CAUAYAN CITY- Boluntaryong isinuko ng isang ginang ang granada ng kanyang yumaong asawa na natagpuan sa kanilang bahay sa Purok 5, Brgy. La Torre North, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, isinuko ng ginang na kinilalang si Rosie Saludo, 61-anyos ang isang MK2 hand grenade na may complete assembly.

Batay sa mga impormasyon, nagpunta si Saludo sa Bayombong Police Station kung saan iniabot niya ang nasabing hand grenade.

Batay sa kanyang salaysay, nililinis niya ang aparador ng kanyang yumaong asawa ng matuklasan niya ang isang lalagyanan na naglalaman ng granada na nakabalot sa isang piraso ng tela.

--Ads--

Nagpaalala naman ang mga otoridad sa mga residente na dalhin sa himpilan ng pulisya o ireport ang mga nadidiskubreng mga pmapasabong upang mapanatiling ligtas ang publiko hinggil sa panganib na dala ng mga bomba.