--Ads--

CAUAYAN CITY- Na-hypnotize umano ang isang ginang na nabiktima ng budol budol gang sa Santiago City.

Ang biktima ay si Marivic Raganit, 38 anyos, may-asawa, at residente ng Butigue, Paracelis, Mountain Province.

Ang biktima ay nasa isang bahay kainan nang lapitan ng dalawang babaeng may matamis na pananalita at nagpanggap na kanyang kamag-anak.

Matapos nito ay isa pang babae ang lumapit na nagpanggap namang nagbebenta ng alahas at dito ay na-hipnotized umano ang biktima.

--Ads--

Kagad na nahikayat ang biktima na bumili ng singsing at kuwintas na ibinebenta ng mga pinaghihinalaan na nagkakahalaga ng P/20,000.00

Agad na umalis ang mga suspek habang ang biktima ay nagtungo sa isang jewelry shop upang ipakilatis ang kanyang nabiling alahas.

Dito natuklasan ng biktima na hindi tunay o peke ang mga alahas na ibinenta ng mga suspek sa kanya.

Sa kuha ng CCTV Footage ng bahay kainan sa isang suspek ay may mahabang kulot na buhok, mataba, 5’4” hanggang 5’6” ang tangkad.

Dismayado naman ang mga pulis dahil sa hindi malinaw ang kuha ng CCTV camera ng nasabing bahay kainan.