CAUAYAN CITY – Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Bayombong Police Station at Quezon Police Station ang isang Ginang dahil sa kasong large scale illegal recruitment sa Don Mariano Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ang dinakip ay si Rodalyn Gumayagay, 44 anyos, may-asawa at residente ng Don Domingo Maddela Poblacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Supt. Jeremias Aglugob, Prov’l Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rogelio Corpuz ng Regional Trial Court Branch 27 Bayombong, Nueva Vizcaya.
Inilabas ang kaniyang warrant of arrest noong March 21, 2018.
Lumabas naman sa ginawang pagsisiyasat, 7 tao ang nabiktima ng nasabing akusado mula sa Bambang at Bagabag, Nueva Vizcaya, Angadanan, Isabela at Banaue, Ifugao.




