--Ads--

CAUAYAN CITY – Napatay ng isang ginang na may suliranin sa pag-iisip ang kanyang mister habang natutulog sa Purok Uno, Barangay Balagan.

Ang biktima ay si Nelson Manalo, limamput dalawang taong gulang, magsasaka  habang ang pinaghihinalaan ay ang kanyang misis na si Imelda, limampung taong gulang, kapwa residente ng Purok uno, Barangay Balaban, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Master Sgt. Rogelio Ignacio Jr. imbestigador ng San Mariano Police Station na ang pinaghihinalaan ay mayroong suliranin sa pag-iisip.

Ang pinaghihinalaan ay nagtangkang magpakamatay at tinangkang sunugin ang kanilang bahay ngunit napigilan ito ng biktima.

--Ads--

Napuyat anya ang biktima sa pagbabantay sa kanyang misis na mayroong suliranin sa pag-iisip kayat nakatulog.

Natutulog ang biktima sa kanilang terrace nang biglang tinaga ng itak sa leeg ng kanyang misis na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa pinaghihinalaan dahil desidido ang kamag-anak ng biktima na sampahan ng kaso ang pinaghihinalaan.