--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nagpapagaling sa ospital sa San Mateo, Isabela ang isang ginang na dati ring OFW matapos uminom    ng pampalasa ng pagkain dahil umano sa problema sa kanyang live in partner.

Ang naturang ginang ay isang 39 anyos habang ang kanyang kinakasama ay isang 22 anyos.

Batay sa kanyang kwento sa Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng ginang na pinili na lamang niyang uminom ng naturang pampalasa upang kitlin ang kanyang buhay dahil umano sa lasinggero niyang kinakasama.

Matapos umanong tinimpla sa tubig ang  mahigit isang kutsarang pampalasa ng pagkain at ininom   ay dito nakaramdam ng panginginig ng kalamnan ang ginang at pagsusuka na agad namang dinala sa ospital.

--Ads--

Ayon pa sa salaysay ng ginang, nais niyang bumalik sa ibang bansa upang makapag-ipon at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya subalit palagi naman umanong umiinom ang kanyang live in partner.