CAUAYAN CITY – Hindi na sinampahan ng kaso ang ginang na aksidenteng nakasaksak at nakapatay sa kanyang mister noong araw ng halalan (May 13, 2019) sa barangay Calimaturod, Cordon, Isabela.
Ang biktima ay si Freddie De Guzman, 33 anyos, magsasaka habang ang suspek ay ang kanyang misis na si Elena, 34 anyos, kapwa residente ng Calimaturod, Cordon, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nag-usap ang misis at mga kamag-anak ng mister at dito napagpasyahang hindi na na sasampahan pa ng kaso.
Alang alang anya sa anak ng ginang ay hindi na itinuloy ng mga kamag-anak ng mister ang kaso laban kay Elena.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Elena De Guzman na nakalaya siya sa kulungan at pansamantalang nakituloy sa kanyang kamag-anak sa Santiago City ngunit uuwi din siya kasama ang mga anak sa Nueva Ecija.
Magugunitang noong May 13, 2019 ay umuwing lasing ang pinaghihinalaan at nagkaroon ng pag-aaway sa pagitan ng mag-asawa ..
Sinubukan umano ng lalaki na saksakin ang kanyang misis ngunit nag-agawan sila ng kutsilyo at hindi sinasadyang nasaksak ni Elena si Freddie na nagsanhi ng kanyang kamatayan na inilibing na noong araw ng Miyerkoles.