--Ads--

CAUAYAN CITY- Nabiktima ng budul-budol gang ang isang ginang na residente ng Labinab, Cauayan City

Nilapitan ng isang babae ang biktimang si Ginang Mary Ann Culedra, 42 anyos habang nasa comfort room ng isang mall at tinanong kung saan makabili ng antibiotic dahil masakit ang kanyang ulo at sinabi naman ng ginang kung saang lugar siya makabili ng gamot.

Habang nag-uusap sila ay inalok ng suspek ang ginang ng kanyang mga panindang alahas.

Naengganyo umano ang biktima at kinuha ang isang kuwintas at isang bracelet kapalit ng Php30,000.00.

--Ads--

Dumulog ang biktima sa Cauayan City Police Station matapos lumabas sa appraisal ng pinuntahan niyang pawnshop na hindi ginto kundi tanso ang biniling alahas.