--Ads--

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang Ginang sa isang waiting shed na nasasakupan ng Zipagan St. District 1, Cauayan City.

Ang biktima ay isang 55-anyos at residente rin ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ricardo Mendoza, nakakita sa katawan ng Ginang, sinabi niya na mamamalengke lang sana siya nang makita niya ang biktima na nakaupo at nang lapitan niya ito ay matigas na ang katawan at wala nang response kaya agad niya itong itinawag sa anak ng biktima.

Naniniwala siya na walang foul play sa pagkamatay nito dahil matagal na nila itong nakikita na inuubo at natutumba tuwing naglalakad sa kalsada.

--Ads--

Aniya, mag-isa na lamang na namumuhay ang Ginang matapos umanong abandunahin ng kaniyang mga kaanak kaya ginawa na lamang nitong tirahan ang isang waiting shed.

Minsan na rin umano nilang tinawagan ang anak nito upang iparating ang kalagayan ng kanilang ina subalit hindi nila agad ito binalikan.

Sa ngayon ay nasa isang punerarya na sa Cabatuan, Isabela ang labi ng naturang Ginang matapos ipaalam ng mga concerned citizens sa Cauayan City Police Station ang insidente.