--Ads--
CAUAYAN CITY – Natuklaw ng ahas ang isang ginang sa San Mateo, Isabela
Ang nasabing ginang ay si Celia Culang ng Old Centro Proper, San Mateo, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Culang, sinabi niya na nagtungo lamang siya sa comfort room sa labas ng kanilang bahay nang bigla na lamang siyang natuklaw ng ahas.
Aniya, hindi niya matiyak kung anong klase ng ahas ang tumuklaw sa kanya.
--Ads--
Agad naman siyang dinala sa San Mateo Community Hospital subalit inilipat din kalaunan sa ibang pagamutan dahil umano sa kawalan ng anti-venom vaccine sa nasabing ospital.











