--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos mahulog sa sinasakyang tricycle na binangga ng motorsiklo sa barangay Calabayan, Angadanan,Isabela.

Bukod sa isang nasawi ay dalawa pa ang sugatan.

Ang biktimang namatay ay si Regina Lawigan, 41 anyos, may-asawa at ang tsuper ng tricycle na si Hener Montevergen, 34 anyos, may-asawa na kapwa residente ng Centro 3, Angadanan, Isabela.

Ang pinaghihinalaang tsuper ng motorsiklo ay si Richard Aboso Gangan, 24 anyos, may-asawa, isang guwardiya at residente ng Upi, Gamu, Isabela.

--Ads--

Sinubukang mag-overtake ng sakay ng motorsiklo na si Gangan ngunit hindi nito natantiya na nagsanhi para mabangga ang tricycle.

Dahil sa banggaan ng tricycle at motorsiklo ay nasugatan ang mga tsuper na sina Montevergen at Gangan ng kaagad dinala sa pagamutan.

Nahulog mula sa tricycle si Lawigan at nabagok ang ulo na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide and less serious injuries and damage to property laban sa tsuper ng motorsiklo na si Gangan.