--Ads--

Bukas umano ang gobyerno sa posibilidad na palawigin ang pag-angkat ng bigas mula Pakistan upang maiwasan ang sobrang pagdepende sa Vietnam.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, interesado ang Pakistan na mag-supply ng karagdagang bigas dahil sa kanilang surplus production.

Noong nakaraang taon, umabot sa 3.39 milyong metric tons ang inangkat na bigas ng bansa, kung saan 81% ay mula Vietnam, at dalawang porsyento lamang mula Pakistan.

Binanggit ni Tiu Laurel na ang import ay mananatiling dagdag lamang sa lokal na produksyon, at limitado lamang sa pangangailangan ng bansa.

--Ads--

Kasama sa pag-uusap sa delegasyon ang posibilidad ng pagpapalawak ng two-way trade, kabilang ang Indian buffalo meat at mga produktong Pilipino tulad ng niyog, seaweeds, at isda.

Ayon sa gobyerno, layunin nito na palakasin ang food security at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.