--Ads--
CAUAYAN CITY – Magandang balita para sa buong lalawigan ng Isabela dahil batay sa Isabela Provincial Information Office, COVID-19 free na ang lalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, Information Officer ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, sinabi niya na COVID free na ang lalawigan matapos na magnegatibo si PH 4805 na mula sa lunsod ng Cauayan sa huling test nito.
Magugunitang pito ang nagpositibo sa Isabela na mula sa apat na bayan at dalawang lunsod.
Dahil dito, nanawagan ang pamahalaang panlalawigan sa publiko na sundin ang mga protocols upang wala ng maitala ang lalawigan.
--Ads--











