
CAUAYAN CITY – Nakarating na sa tanggapan ng pamahalaang Panlalawigan ang ilang reklamo sa mga umano’y kapitan na ginagamit ang ipinag kaloob na truck bilang personal na sasakyan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Governor Rodito Albano sinabi niya na una na niyang binawi ang truck ng isang barangay sa San Pablo Isabela matapos ring makarating sa kaniya na ginagamit ng kapitan ang government owned vehicle upang magkarga ng kaniyang aning palay.
Maliban sa San Pablo ay may isang barangay rin ang nakatakdang bawian ng truck sa bahagi ng Cordon dahil hindi umano nipinagagamit ng kapitan ang truck sa kaniyang mga nasasakupan.
Paalala ni Governor Albano sa mga Kapitan ng Barangay na ang truck na ipinamahagi o ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ay Tulong sa mga kooperatiba, wala aniyang problema kung ang kapitan at kagawad ay magsasaka subalit ipinagbabawal na gamitin ang truck bilang personal na gamit.
Giit niya na handa siyang bawiin ang naturang na namamataang nag hahatid ng produktong saging sa labas ng lalawigan oras na mapatunayang ginagamit ito ng kapitan bilang pang personal na sasakyan.










