--Ads--

CAUAYAN CITY – Kakausapin ni Governor Rodito Albano ng Isabela ang Land Transportation and Franchising regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng point to point na pagsakay at pagbaba ng pasahero ng mga Public Utility Vehicle (PUV).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Albano, sinabi niya na tatanungin niya sa LTFRB kung bakit ganoon ang guidelines na kanilang inilabas.
Ayon sa punong lalawigan, makikiusap siya na kung puwede ay payagang magbaba ang mga bus sa mga bayan na walang terminal.
Sinabi pa ni Gov. Albano na kailangan nang magtrabaho ang mga tao dahil masyado na silang apektado sa COVID-19 crisis kaya hindi na sila kailangang pahirapan.
--Ads--










