--Ads--

Inamin ni Governor Rodito Albano na lumipad siya patungong Germany kasama ang ilang Chief Executives o Mayor’s mula sa Lalawigan ng Isabela para sa isang Agri-Tech Fair.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gov. Albano na malinis ang kaniyang konsensya na ang pagbiyahe niya sa Germany ay may mabuting layunin para sa mga magsasaka sa Isabela at anuman ang pagbabatikos sa kaniya ay wala siyang pakialam.

Kung matatandaan una naring inihayag ni Gov. Albano na ayunin niya sa pagpunta doon ay para silipin ang mga makabong teknolohiya at alamin ang mga naangkop na makinarya para sa mga magsasaka sa Lalawigan na bahagi ng modernization sasector ng agrikultura.

Ang Agri fair sa Germany ay ginaganap lamang kada dalawang taon at ang biyahe niya sa naturang bansa ay isang buwan nang nakalipas niyang naipaalam kay DILG sec. Jonvic Remulla bago paman inilabas ang travel ban.

Dagdag pa niya nasa biyahe na rin siya papuntang Europe nang ilabas ang travel ban.

--Ads--

Dagdag paniya na anumang imbestigasyon na gagawin ng DILG ay handa siyang tangapin at akuin ang reponsibilidad kung sakali mang siya ay tunay na nagkamali.

Panawagan din niya na huwag sanang ikumpara ang sinapit ng Cebu at Isabela sa kabila ng kanilang pag-alis dahil bago paman aniya tumama ang bagyo ay nakapaghanda na ang lahat ng LGU’s.