--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakakakuha ng pahintulot ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na makakuha ng bakuna laban sa African Swine Fever o ASF mula sa Vietnam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Rodito Albano III, na kasalukuyang nasa Vietnam kasama si Pangulong Bongbong Marcos at iba pang delegado ng bansa para sa State Visit nito sa Vietnam, sinabi niya na nakakuha sila ng pahintulot sa isang kompanyang gumagawa ng ASF Vaccine kasama ang Department of Agriculture o DA.

Umaasa ang Gobernador na magiging epektibo ang nasabing bakuna upang maagapan na ang pagkasawi ng mga baboy dahil sa nasabing sakit.

Ayon kay Gov. Albano pangtesting lamang muna ang mga bakuna na ito dahil hindi pa abrubado ng Food and Drug Administration o FDA kaya sa mga backyard hogs muna ito susubukan kung may epekto sa virus ng ASF.

--Ads--

Pinaalalalahanan naman niya ang publiko na huwag munang umasa na epektibo ang bakuna dahil kailangan muna itong dumaan sa testing at maaprubahan ng FDA.

Isa rin sa kanilang pinagkaabalahan sa Hanoi ay ang mga trade agreements sa ibat-ibang negosyante tulad ng pagbili ng mga hybrid na binhi na itatanim sa Pilipinas na makakapagpabuti ng produksyon.