--Ads--

Tahasang sinagot ni Isabela Governor Rodito Albano ang kaniyang mga basher na bumbatikos sa kaniya sa sa isang kontrobersyal na pahayag sa isang panayam kaugnay sa Bagyong Uwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Gov. Albano, sinabi niya na naging maayos naman ang pagtugon ng Local Government Unit ng Isabela sa bagyong Uwan sa kabila ng kaniyang pagbiyahe abroad.

Nagbigay din ng pahayag si Gov. Albano sa isang kontrobersiyal na statement niya na Chill lamang sakabila ng banta ng malakas na bagyo.

Aniya, sa naturang interview ay tinanong ang kahandaan ng Lalawigan sa Super Typhoon “Uwan”.

--Ads--

Inihayag niya sa naturang interview na nakapaghanda naman ang lahat para sa naturang sama ng panahon at naihanda ang mga kinakailangan na kagamitan sa pangungina ni Vice Governor Dy at PDRRMC.

Sa huli natanong siya kung ano ang gagawin kung rumagasa ang tubig at malalakas na ulan kaya sinagot niya ito na “ Kung ganon ang mangyayari,wala na tayong magagawa kundi magdasal lamang , pagkatapos nating magdasal o di magrelax na tayo, mag chill na tayo”.

Giit niya taliwas ito sa mga lumabas na pahayag niya na naging “out of context” at ngayon ay umaani na ng kaliwa’t kanang batikos mula sa publiko.