--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiwala si Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya na mapapatunayan niya na walang sapat na batayan at ebidensiya sa mga paratang na korapsyon laban sa kanya.

Magugunitang idinawit ang gobernador at kanyang misis na si dating Gov. Ruth Padilla at 15 na iba pa sa hindi natapos na flagship project ng administration na may pondong umaabot sa halos 150 Million pesos.

Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa sa kanila sa Tanggapan ng Ombudsman ng kasong paglabag sa Anti- Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Government Procurement Reform Act.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Padilla, sinabi niya na naniniwala siya na kagagawan ng mga pulitikong gusto siyang palitan ang mga paratang laban sa kanila.

--Ads--

Aniya, dahil sa pulitika ay madalas na niya itong maranasan lalo na na tuwing nalalapit ang halalan kaya nasanay na siya.

Ginagamit lamang itong paninira sa kanya sa publiko kaya hindi na niya pinapansin dahil may panahon naman siya para sagutin.

Ayon kay Gov. Padilla, walang dapat na ikabahala ang iba pang mga nadadawit sa kaso dahil lahat ng mga infrastructure project sa lalawigan ay tuluy-tuloy at karamihan ay papatapos na habang ang iba ay tapos na.

Banat naman niya kay Vice Governor Tomas Tam-An na siya lang naman ang hindi kumikilala sa mga nagawa ng kanyang administrasyon dahil sa away sa pulitika.

Ang pahayag ni Gov. Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya