
CAUAYAN CITY – Nanawagan sa Senado si Governor Manuel Mamba ng Cagayan na palabasin ang totoong utak sa pagpaslang kay Appari Vice Mayor Romel Alameda at limang iba pa.
Inihayag ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan na isa sa nakikita niyang pumukaw ng interes sa mga nasa likod sa karumal dumal na pagpaslang sa “Appari Six” ay ang political at personal interest sa Port of Appari.
Nagagalak siya ngayon na si Senator Bato Dela Rosa ang namumuno sa pagdinig na posibleng politicaly motivated lalo na ng inilabas na ang ilang ebidensya tulad ng mga video footage sa naganap na pananambang.
Malinaw aniya sa ilang video na maaaring gamitin ito upang takutin ang ilang complainant.
Batay sa naging pagdinig ng senado ay inilantad ni PLt.Col. Arbel Mercullo ang hepe ng CIDG region 2 ang pangalan ng siyam na person of interest sa krimen.
Kabilang sa mga pinangalanan ay si Appari Mayor Bryan Dale Chan, Daren Cruz Abordo, Dennis De Guzman, Romel Senia, Freddie Rodrex Molena, Freddie Tacuro, Marvin Ayudan, Romel Paltao, Antonio De Guzman at Romeo Cortes Fajardo.
Ayon kay PLt. Col. Mercullo si Daren Abordo ang may-ari ng ginamit na getaway vehicle ng mga armadong kalalakihan nang tambangan at patayin si Vice Mayor Alameda.










