--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pabor si Governor Rodito Albano ng Isabela sa pagdaraos ng  Christmas party dahil maaaring pagmulan ito ng  hawaan sa COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Albano, sinabi niya na hindi pa pinapayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang christmas party  ngunit may sariling panuntunan ang mga pamahalaang lokal at bahala silang magpasya tungkol dito.

Para kay Governor Rodito Albano, hindi muna siya pabor sa pagdaraos ng mga Christmas party kayat payo niya sa mga mamamayan na dumalo na lang sa Misa de Gallo basta may social distancing.

Nais din niyang mapabilis ang pagtuturok ng booster shot sa mga pari para mas magkaroon ng proteksiyon sa kanilang sarili.

--Ads--

Payag din siya sa caroling kung isa o dalawa lang.

Pabor naman siya sa pagtungo ng mga tao sa mga pook pasyalan basta nabakunahan na sila.

Samantala,  sinabi ni  Gov. Albano na umabot na sa isang milyon ang mga nabakunahan sa Isabela at kalahating milyon na ang nabigyan ng ikalawang dose.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano