--Ads--

CAUAYAN CITY –  Magpapalabas ng Executive Order (EO) si  Gov. Rodito Albano para alisin na simula ngayong Lunes, May 25, 2020 ang ipinapatupad na  number coding scheme.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gov. Albano na bukod sa layuning magkaroon na ng economic activity ay babalik na sa Isabela ang mga Overseas Filipino Workers (Ofw’s) kaya hindi sila dapat maipit sa iba’t ibang lugar dahil sa number coding scheme.

Matatandaang nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng isang ordinansa at kabilang sa mga probisyon nito ang unified number coding scheme sa mga bayan at lunsod sa Isabela.

Inamin ni Gov. Albano na hindi niya agad napagtanto na kasama pala sa ordinansa ang mga private vehicle at hindi lang para sa tricycle ang number coding scheme.

--Ads--

Hindi na rin puwede aniya ang number coding sa mga  tricycle dahil matagal nang walang kita ang mga driver/operator at maaaring ma-embargo na ang kanilang hinuhulugan na pamsadang sasakyan.

Binanggit pa ni Gov. Albano na sa June 2020 ay magkakaloob ang pamahalaang panlalawigan ng ayuda sa mga tricycle driver dahil kabilang sila sa mga labis na naapektuhan sa ipinatupad na lockdown dahil sa COVID 19 pandemic.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano