--Ads--

Idineklara ng Supreme Court na ang mga government employees na magpopositibo sa drug test ay nararapat mabigyan ng tiyansa na sumailalim sa rehabilitation.

Ayon sa Supreme Court, ang drug use na nagreresulta ng addiction ay hindi isang krimen kundi isang sakit na kailangan ng gamutan.

Inihalimbawa ng Supreme Court ang desisyon ng Court of Appeals sa isang engineer na nagtatrabaho sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa na guilty sa grave misconduct dahil sa pagpopositibo sa shabu ng dalawang beses.

Sinuspinde ng high court ang penalty nito at ipinag-utos ang retesting sa engineer.

--Ads--

Kapag nagnegatibo ito ay walang gamutan at irere-assess ng Civil Service Commission ang pagrerelease ng kanyang benepisyo at eligibility sa public service.

Ngunit kung ito ay magpopositibo, sasailalim siya sa drug dependance exam at papasok sa intervention program o rehab.

Matapos nito at tuluyan na siyang narehabilitate at pwede na muling magtrabaho batay sa assessment ng doktor ay saka lamang irereasses ng Supreme Court at CSC ang status ng engineer.

Agad naman siyang ididismiss kung tumanggi siyang sumailalim sa interbensyon o makipag-cooperate para sa kanyang rehabilitasyon.