CAUAYAN CITY – Tiniyak ni Gov. Rodito Albano na maraming gamot na remdisivir sa mga ospital at sa mga doktor ng pamahalaang panlalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gov. Albano na sa mga COVID-19 patient na nangangailangan ng nasabing gamot ay tumawag lamang sa Isabela Command Center para mabigyan ng gamot at kailangan ang reseta ng doktor.
Nagbabala si Gov. Albano sa mga pribadong ospital na naniningil ng mahal na halaga ng remdisivir.
Iwasan aniya na ibenta ang nasabing gamot ng napakamahal at malaki ang tubo.
Sa mga ospital na pinangangasiwaan ng pamahalaang panlalawigan ay libre ang nasabing gamot.
Ayon kay Gov. Albano, para sa humanitarian considenration ay huwag pagkakitaan nang sobra ang mga nagkakasakit lalo na sa mga pasyente sa COVID-19.











