--Ads--

CAUAYAN CITY– Kinumpirma ng  Gobernador ng  Nueva Vizcaya ang pagpositibo niya sa COVID-19 kasabay ng pagsasailalim sa tatlong araw na temporary lockdown ang Provincial Capitol  simula ngayong araw  dulot ng pagtaas pa ng kaso ng mga tinatamaan ng Virus sa lalawigan .

Batay sa opisyal na kumpirmasyon ni Governor Carlos Padilla, kasalukuyan siyang nakaQuarantine at nasa maayos na kalagayan.

Aniya, siya ay nakakaranas ng mild symptoms.

Kasalukuyang isinasagawa ngayon  ang contact tracing kaugnay sa mga maari nitong nakasalamuha.

--Ads--

Humingi naman ng dasal ang Punong Lalawigan sa publiko at hinimok na tumugon sa mga nakalatag na standard health protocols.

Sumasailalim na rin ngayon sa Home Quarantine ang mga kawani ng provincial capitol compound at mahigpit na ipagbabawal ang pagsasagawa ng recreational activities hanggang sa April 11, 2021.

Samanatala, unti-unti ng bumubuti ang kalagayan ni Vice Governor Jose Tam-An Tomas Sr. matapos rin siyang  tamaan ng COVID-19  virus.

Sa kaniyang social media post siya ay kasalukuyang sumasailalim sa Quarantine at bumuti na ang kalagayan.

Matatandaan na nauna ng napaulat ang pagkasawi naman ni Sangguniang Panlalawigan  Member Dr. Cirilio Galindez, dating Medical Center Chief ng Veterans Regional Hospital na ngayon ay Region 2 Trauma and Medical Center  ( R2TMC)  ilang araw matapos magpositibo  siya  sa Virus.